Thursday, October 7, 2010

Para Sa Aking Minamahal.


Bago ako tuluyang umalis ng bansa, isinangtabi ko muna ang aking mabigat na mga bagahe at sumama sa aking baby sa kanilang malayong probinsya. Matagal na naming pinagpaplanuhan ito ngunit dahil sa kanyang trabahong nagdadala sa kanya sa ibat ibang bahagi ng mundo, madalas ay hindi ito natutuloy. Pero ngayong ako naman ang dadalin ng kapalaran sa ibang bahagi ng mundo, hindi na ako pumayag na ipagpaliban pa na mapuntahan ang lugar kung saan lumaki at nagkaisip ang taong mahal ko. Ilang beses na din naman syang napunta sa aking probinsya, at dito'y ipinakita ko sa kanya kung saan ako madalas maglagi noong kabataan ko pa, isang hindi malilimutang karanasan ang maglakad sa lupang kinalakihan mo kasama ang isang tao na mahal na mahal mo. Lalong pinaglalapit ang mga puso nyo ng ganitong karanasan.
Babalikan ko ang lugar na ito pag dating ko mula sa ibayong dagat, syempre, kasama ko pa din ang mahal ko.
salamat sa pagpapatuloy mo sa iyong lupang kinalakihan, at higit sa lahat, salamat sa pagpapatuloy mo sa akin sa iyong puso.
Maghihintay ako sa muli nating pagsasama.